Skip to main content

The Cure



Ang corny ng title ko pero hayaan nyo na kasi based sa biorhythm ko 2% lang daw ang intelectual ko, parang gosh ano bang alam ng app na to sa katawan at pagkatao ko. Right now nagppalpitate na ko kasi 10:30 pa lang ng umaga, naka tatlong kape na ko. Grabe bat ba ang tanga-tanga ko.

I self diagnosed myself having a Quarter Life Crisis based on the article https://www.themuse.com/advice/powering-through-your-quarterlife-crisis .Basta yun click nyo nalang yung link.

Tapos eto yung sabi nya na pwede kong gawin para malampasan ang mga pinagdadaanan ko.
Actually nag back read ako ng mga blogs ko then na napagisip-isip ko na ang arte ko lang. Napakadrama ko but at least sa iba dyan na nagiinarte, sana matulungan ko kayo.

1. Seek Out Solidarity 

       - Chika-chika with friends ganern. Joke, syempre di ganon. Na try ko na to dati pero mukang kailangan kong gawin ulit. Dati nakipag chat ako sa random friends ko, mga friends ko nung elementary, high school at college. Kamustahan lang at di ko naman talaga shinare yung problema ko. Ang goal ko lang kasi ay kamustahin sila at tsaka bored lang ako nun, walang makausap. At nakatulong talaga kasi malalaman mo swerte ka sa kalagayan mo ngayon kasi parepareho lang kayo na may pinagdadaanan, yung iba mas malalala pa. May iba na mas maganda ang standing sa buhay pero may problema pa rin so di ka dapat malungkot sa life. Tapos habang dumadami din yung nakakausap  ko, mas gumagaan yung pakiramdam ko. Parang magic, tapos eventually makakahanap ka ng makakaintindi sayo.


2. Work a Side Hustle

       -  Eto nagsusulat ng blog. Eversince pa nung elementary ako, may passion na talaga ako sa pagsusulat. Im having fun actually sharing thoughts through this.

3. Don’t Let Your Degree Define You

      - Mukang tama si VARCI VARTANIAN, yung author ng article. I keep on comparing myself sa mga workmates ko. Magaling din naman ako but i guess wala yung moment ko sa pag shine. :)


4. Tell Yourself It’s Normal

      - Yup Its normal. Madrama pero normal.

Comments

Popular posts from this blog

1st Day sa Intermittent Fasting

1st Day ko ulit sa intermittent fasting, sinasamantala ko habang wala akong pakinabang sa office. Di ko alam kung hanggang kelan ako ganito. Gusto ko ng mag resign... kaso san naman ako hahanap ng trabaho na magpapasweldo sakin ng ganito. nahihiya na ko kailangan ko ng sumugal

Apartment Reservation

Sobrang lapit na sa trabaho ng apartment ko ngayon. Mga 5 minutes to 10 minutes away sa office. Yung singil, ayos lang din, reasonable naman. Hindi masikip at di rin naman sobrang laki, sakto lang para sakin. Studio type, tapos may CR na rin sa loob. May lutuan, lababo at aircon. In short , maayos at comfortable tirahan. Usually ng mga nagddorm dito ay hindi lang nasa office, minsan nasa site din sila. Kapag nasa site sila, minsan umaabot ng biwan bago sila makapag-office ulit. Ang ginagawa nila, binabayaran pa rin nila yung apartment kahit hindi naman nila ginamit. Binabayaran for reservation. Parang ako... para akong apartment. Hindi napapakinabangan pero binabayaran for reservation. Hanggang kailan kaya?

Coffee

What if magic potion pala yung Coffee na ininom mo this morning? Imagine, paginom mo ng kape biglang nawala yung anxiety at depression mo sa buhay. Pakiramdam mo wala kang problema tapos masaya ka lang. Sa sobrang saya mo lahat ng makakasalubong mag gGood Morning ka at sa naguumapaw na positivity na nagmumula sayo hindi nila maipaliwanag kung bakit parang nahahawa sila sa kasiyahan mo.