Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2020

Game Over

August, I met this guy aaminin ko, nagsasawa na ko sa pagiging NBSB Tapos naman na ko ng college with honors pa May trabaho na rin ako at nakakapag bigay na sa pamilya Hindi ako sa nagyayabang pero nagsumikap talaga ako kasi gustong-gusto kong gumanda ang buhay ng pamilya ko, at sa future hindi na kailangan pang danasin ng magiging mga anak ko yung naranasan ko. Tulad nga ng sinabi ko, hindi ako ligawin di naman ako panget pero di rin kagandahan, di lang talaga ako approachable pero mabait naman ako Ang tangkad ko kasi, 5'10 kaya nga nung pinalabas yung tall girl sa netflix, sobra akong naka-relate sobrang awkward kasi sa babae na mas maliit sa kanya yung guy, tapos awkward din naman sa lalaki yung mas tangkad pa sa kanila yung babae. I can't find someone at school, sa work so kailangan ko ng gumalaw-galaw Nag try ako dati ng Tinder kaso malas , nakatagpo ako ng manyak simula pa lang iba na ang mga galawan, yung kamay kung saan-saan napupunta. di naman nya

Sa Mga Mata ng NBSB

Weird man pero pag bored ako sa office nagssearch ako ng mga articles tungkol sa mga single, NBSB, pano makipagdate, pano lumandi lahat na... Wala lang , gusto ko lang ma feel na hindi ako nagiisa sa ganitong situasyon. Hopeless talaga dito sa office dahil lahat ng tao dito pamilyado na. Pero may choice naman ako, pwede akong mga dating app para alam mo na... magkajowa na finally. But the thing about dating apps, it feels like I just want to settle just to have someone. Mahirap talaga ang love. Lalo na pag di ka ligawin. Somehow, ang tao kasi by nature pag naghahanap ng partner, we tend to be attracted for someone na katulad natin. Not necessarily na maganda hanap din ay pogi, or mayaman sa mayaman That mentality is quite outdated. You are more likely to fall inlove with someone that has the almost same personality like you have. Kasi ang hinahanap naman talaga natin is yung makakapag pasaya satin. Kapag bata ka pa, naghahanap ka ng someone na mala prince charming, yun

Pagsulat

Yung pinaka mahirap na part as a writer yung san ka huhugot ng ideas sa mga sinusulat mo. Usually, nakakapagsulat lang ako ng marami kapag nalulungkot. Para kasi sakin dun mas masarap basahin ang isang bagay kapag nararamdaman mo yung emosyon ng nagsulat. Ang tagal-tagal ko ng pinapangarap makapag sulat ng isang libro, actually may nasimulan na ko pero ang problema kasi... pano ko ba tatapusin? Pano ko ba mapapaikot-ikot to? Sana one day makagawa din ako ng isang kwento.

Don't Take Anything Personally

I have a lot of negative thoughts lately - Unfriended na ko sa facebook ng dati kong coach sa competition - I'm not in good terms with my previous employer even with my college classmates - Napaka yabang ko noon , maldita at insensitive ... dahil don marami akong nasaktan at inaway - Right now, I'm vulnerable - I loose a lot of friends - I cant fit in with my new company - My family knew that I'm earning more that's why they tend to demand more - Marami ang nangangamusta pag may kailangan na lang at hindi para tanungin ka kung ok ka pa ba - I failed again in love What's wrong with me? Am I I that bad? It hurts when people are trying to avoid you. Am I a toxic person? I'm changing now because of my mistakes. But sometimes, I just cant recognize myself Being a different person somehow makes me unhappy. But this morning, while I'm scrolling down my linkedin newsfeed, I read this article saying this, " As you make a habit of no

The Cure

Ang corny ng title ko pero hayaan nyo na kasi based sa biorhythm ko 2% lang daw ang intelectual ko, parang gosh ano bang alam ng app na to sa katawan at pagkatao ko. Right now nagppalpitate na ko kasi 10:30 pa lang ng umaga, naka tatlong kape na ko. Grabe bat ba ang tanga-tanga ko. I self diagnosed myself having a Quarter Life Crisis based on the article  https://www.themuse.com/advice/powering-through-your-quarterlife-crisis  . Basta yun click nyo nalang yung link. Tapos eto yung sabi nya na pwede kong gawin para malampasan ang mga pinagdadaanan ko. Actually nag back read ako ng mga blogs ko then na napagisip-isip ko na ang arte ko lang. Napakadrama ko but at least sa iba dyan na nagiinarte, sana matulungan ko kayo. 1. Seek Out Solidarity         - Chika-chika with friends ganern. Joke, syempre di ganon. Na try ko na to dati pero mukang kailangan kong gawin ulit. Dati nakipag chat ako sa random friends ko, mga friends ko nung elementary, high school at college. Kamustahan

Quarter-Life Crisis

That awkward moment... Yung every staff meeting wala kang ambag sa grupo. Pwede nga nila akong utusan magtimpla ng coffee, mag print, or bumili ng ulam sa labas ... ok lang. Mas ok yun kesa walang ginagawa. I just want to lighten their work loads pero di ko sila matulungan. Ako yung pinaka bata sa grupo at pinaka eng-eng. nahiya talaga ako. Natutulala na lang ako dito sa office iniisip kung ano bang gagawin ko. Hanggang ngayon di ko pa rin maisip. Hindi naman ako makapag resign kasi sino bang company ang magpapasahod sakin ng ganto kalaki? Magiisang taon na pero yung hinihintay kong break wala pa rin. I feel trap. Pero di ako makahanap ng iba kasi attracted ako sa shiny objects. Ang dami kong gustong bilihin na hindi ko mabibili pag lumipat ako. Swerte lang ang pagkahire ko dito at lagi na lang naffeel ko kung gaano ako ka incompetent as a employee. Wala akong ganap. Hindi nila ako kayang pagkatiwalaan. Nag effort naman ako na ipakita sa kanila na may something

Study to the Infinity & Beyond!

Sa tuwing nagsusulat ako sa blogger o sa tumblr, dalaw lang ibig sabihin nyan, bored ako o sawa na ko sa trabaho ko. So anong reason for today? Bored ako December pa nung huling beses na binigyan ako ng gagawin at hanggang ngayon wala pa rin akong load. Tinanong ko dati si bossing kung magpapahinga na ba muna ako at siguro mahanap na rin ng ibang trabaho pero sabi nya, magaral nalang daw muna ako ng mga dapat kong aralin sa office. Ilang buwan na ang lumipas at nagaaral pa rin ako. May part sakin na nakakaguilty kasi pinapasweldo nila ako habang nagaaral san ka pa , every students dream. Kaya lang ilang beses din naman akong nagreport na wala na kong ginagawa pero sabi lang nya sakin ituloy ko lang ang self study na ginagawa ko. Iniisip kong bumalik sa college para magkadegree pero kulang pa ang pera ko, kailangan ko pang magipon  di kaya kahit mag take ako ng mga panggabi na courses para madagdagan ang kaalaman ko, kaya lang kailangan ko pa talagang magipon. Nakakainins lang ka

Coffee

What if magic potion pala yung Coffee na ininom mo this morning? Imagine, paginom mo ng kape biglang nawala yung anxiety at depression mo sa buhay. Pakiramdam mo wala kang problema tapos masaya ka lang. Sa sobrang saya mo lahat ng makakasalubong mag gGood Morning ka at sa naguumapaw na positivity na nagmumula sayo hindi nila maipaliwanag kung bakit parang nahahawa sila sa kasiyahan mo.

Ghosting 2020

Grabe buena mano ako ngayong 2020 sabi nya liligawan nya ko but it turns out na naglaho sya ng parang bula everytime naginoghost ako ng manliligaw ko feeling ko, di ako worth pagtyagaan, di ko woth it pag aksayahan ng oras at effort at feeling ko, ako yung binasted somehow, i trust in destiny, kung kayo, kayo talaga at kung para sayo, para sayo talaga umasa na naman ako na may makakadate na ko finally sa birthday ko

Alabang! Alabang! Alabang lalandi sakin dyan?

Dating gawi, celebrate ng valentines sa bahay with family or sa mga friends ko na kapareho kong single. dating gawi, walng ka date sa valentines dating gawi , mag ccelebrate ako ng feb 14 hindi dahil valentines kundi dahil birthday ko mag tthree weeks na hindi nya ko kinakausap, nakikita kong online sya habang online ako, pero walang hi or hello sa taong nagsabi sakin nung New Year na liligawan na nya ako for real para makasama nya ko palagi nasan na sya ngayon? anong nangyari?  nalulungkot ako

Mission Failed on Valentines

Valentines ang birthday ko at ngayong 2020, 22 years old na ko. Lagi kong inaabangan tuwing Feb 14 kung mag ccelebrate ba ko ng Valentines Day o Birthday ko. Sa totoo lang nagsasawa na kong mag celebrate ng birthday ko tuwing araw ng mga puso. Di naman ako bitter pero nakakaingit lang kasi yung mga tao na nakikipag date sa valentines. Yung mga babaeng binibigyan ng flowers, chocolate at teddy bear. Nakakatangap din naman ako ng mga ganyan , eh kasi birthday ko. Masaya naman ako sa tuwing nareregaluhan ng family at friends ko kaya lang kailan kaya ako kikiligin? Yung may isang guy na mageeffort bilhan ka ng rose kahit mahal tuwing valentines?  o yung yayain ka ng taong gusto mo sa isang restaurant ng kayong dalawa lang tapos manunuod ng movie after? imagine... hanggang imagine na naman ako. Nakakalungkot kasi mission failed na naman ako ngayong valentines. Bakit ba hindi ako naging ligawin tulad ng mga kaibigan ko. Ang hirap ko daw ligawan kasi ang tangkad ko, may itsur