Skip to main content

Game Over

August, I met this guy

aaminin ko, nagsasawa na ko sa pagiging NBSB

Tapos naman na ko ng college with honors pa
May trabaho na rin ako at nakakapag bigay na sa pamilya
Hindi ako sa nagyayabang pero nagsumikap talaga ako kasi gustong-gusto kong gumanda ang buhay ng pamilya ko, at sa future hindi na kailangan pang danasin ng magiging mga anak ko yung naranasan ko.

Tulad nga ng sinabi ko, hindi ako ligawin
di naman ako panget pero di rin kagandahan, di lang talaga ako approachable pero mabait naman ako

Ang tangkad ko kasi, 5'10

kaya nga nung pinalabas yung tall girl sa netflix, sobra akong naka-relate

sobrang awkward kasi sa babae na mas maliit sa kanya yung guy, tapos awkward din naman sa lalaki yung mas tangkad pa sa kanila yung babae.

I can't find someone at school, sa work so kailangan ko ng gumalaw-galaw

Nag try ako dati ng Tinder kaso malas , nakatagpo ako ng manyak

simula pa lang iba na ang mga galawan, yung kamay kung saan-saan napupunta. di naman nya ko nahipuan pero unang date pa lang namin gusto na nya ng holding halds, kung makaakbay wagas, tapos makahawak din sa bewang ay wagas parang jowa ko na.

aaminn ko, hindi ako komportable sa ganon pero desperada akong magkajowa kaya hinayaan ko lang. Gusto ko lang kasi talaga ma experience. Sobrang na cucurious ako. Tsaka naiingit ako sa mga kaibigan ko, sa mga taong nakapaligid sa kanila. May nagpapakilig sa kanila, sakin wala. Bakit parang ang dali lang nilang magkagustuhan. Mataas lang naman ang height ko , hindi naman yung standards.

So yun na nga, nagpatuloy pa kami, nung una akala ko ok na
21 ako non, sya naman 27, may maayos na trabho, IT sya sa isang company at feeling ko mabait naman sya. Hanggang sa dumating na sa sukdulan, niyaya na nya akong mag hotel para daw sa indoor activities.

Gosh!!!

Ano ako shunga

wala pa kaming isang buwan nun na makakilala, take note "magkakilala" hindi magjowa

at kahit wala man kaming gawing something sa hotel, eh anong iisipin ng mga taong makakakita sa isnag babae at lalaki  na share ng room sa hotel? alam na this

so tinigil ko na... manyak talaga, ang tanga-tanga ko

After ilang months, na try ako sa ibang app, bumble naman

Kaso ewan ko ba, nakaka-intimidate sa bumble, parang ang sososyal ng mga nakikita ko. Yung iba naman nagbumble lang ata para magipon ng followers sa instagram. jusme

pero dito ko na nga sya nakilala

sa lahat ng nakausap ko, sya kagad yung nakasundo ko, tsaka parang ang gaan nyang kausap. nakakarelate kami pareho sa maraming bagay

pareho kaming fresh grad, NBSB at matangkad

August non, kakalipat ko lang sa dorm

pareho kaming immature pero mas makulit at asal bata sya
pero kahit na ganon, na ffeel ko ang positive vibes pag kausap at kasama ko na sya
he became my first friend nung lumipat ako ng trabaho at tirahan dito sa BGC

pag may free time, dinadalaw nya ko dito at nagddate kami

I understand na mas kumikita ako ng pera kesa sa kanya kasi apprentice palang sya sa isang Archi Company sa QC. Pero kahit hanggang fast food at turo-turo lang ang kaya nyang ibigay tuwing nagddate kami, i dont mnd, yung quality ng paguusap namin yung gusto ko. At kahit simple lang, ang romantic sa tuwing hinahatid nya ko pauwi.

Nagpatuloy kami ng ganon, kahit medyo hassle kasi taga bulacan talaga sya at ako naman antipolo, gumagawa kami ng paraan para makita kahit once a month.

Hanggang sa mag january, New Year, sinabi nya sakin na gusto nyang manligaw sakin for real, gusto nyang gawing formal ang lahat. My heart is melting inside nung sinabi nya kung gano sya kasaya kapag kasama nya ko at gusto nya pang magtuloy-tuloy kami. The feelings are mutual kaya pumayag ako na manligaw sya.

then weeks after, naging busy sya sa work at ganon din ako, mas busy sya kasi nagrreview pa sya para sa board exam tuwing weekends. Hindi na rin kami madalas mag-usap. Minsan ako na ang nauunang mangamusta hanggang sa ilang weeks na ang lumipas na hindi sya nagpaparamdam. Na dissapoint ako kasi online sya, nakakapagpost sya ng kung ano-ano, at nakikita ko na mukang ok namna sya. Naisip ko na baka di naman talaga sya seryoso sa mga sinabi nya. Di ko na rin sya minesage pa. Inunfriend ko sya sa Facebook. Gusto ko syang itest kung gagawa ba sya ng paraan para makausap ako ulit. pero wala

lumipas ang Valentines, ang birthday ko, hindi man lang nya ko niayayang lumabas o binati ng happy birthday

ang sakit

nag expect ako na first time sa buhay ko na mag ccelebrate ako ng valentines sa feb 14  at hindi lang dahil birthday ko. Na finally may ka date ako sa valentines pero wala, bigla syang nag laho


Pero kagabi, Feb 27, nag message ako sa kanya, nag reply naman sya, nagkamustahan muna na parang wlang nangyari.

then all of a sudden may sinabi sya

masaya naman daw sya pag kasama ako kaya lang nagguilty sya na dinedate nya lang ako for the sake na may makasama lang sya. Tapos nagsorry sya, di ko daw deserve yung ganon. At sinabi nya sakin to kasi ayaw nyang mawala ng ganon-ganon nalang. Ayaw na daw nya kong ipursue romantically at gusto na lang daw nya maging friends kami.

Hindi ko nasabing nagtatampo ako sa kanya kasi hindi naman kami. Ang nasabi ko lang ay thank sa honesty, naappreciate ko yung mga sinabi nya, good to know na ayaw nyang makipagdate just to have some, na baka hindi pa kami ready pareho at pumayag ako sa gusto nya maging friends kami. At umiyak ako kasi nadisappoint ako na ang dali nya kong sukuan, na parang nabasted ako at higit sa lahat hindi sya seryoso na gusto nya ko


At habang nagttype ako.

Naisip ko , na hindi nya deserve iyakan or ang friendship

He lack in effort at nag play safe sya
hindi nya kayang maggamble sa love

samantalang ako , naglakas loob akong kausapin sya ulit kahit na baka hindi nya na ako replayan totally.

I guess, game over na talaga

Comments

Popular posts from this blog

1st Day sa Intermittent Fasting

1st Day ko ulit sa intermittent fasting, sinasamantala ko habang wala akong pakinabang sa office. Di ko alam kung hanggang kelan ako ganito. Gusto ko ng mag resign... kaso san naman ako hahanap ng trabaho na magpapasweldo sakin ng ganito. nahihiya na ko kailangan ko ng sumugal

Apartment Reservation

Sobrang lapit na sa trabaho ng apartment ko ngayon. Mga 5 minutes to 10 minutes away sa office. Yung singil, ayos lang din, reasonable naman. Hindi masikip at di rin naman sobrang laki, sakto lang para sakin. Studio type, tapos may CR na rin sa loob. May lutuan, lababo at aircon. In short , maayos at comfortable tirahan. Usually ng mga nagddorm dito ay hindi lang nasa office, minsan nasa site din sila. Kapag nasa site sila, minsan umaabot ng biwan bago sila makapag-office ulit. Ang ginagawa nila, binabayaran pa rin nila yung apartment kahit hindi naman nila ginamit. Binabayaran for reservation. Parang ako... para akong apartment. Hindi napapakinabangan pero binabayaran for reservation. Hanggang kailan kaya?

Coffee

What if magic potion pala yung Coffee na ininom mo this morning? Imagine, paginom mo ng kape biglang nawala yung anxiety at depression mo sa buhay. Pakiramdam mo wala kang problema tapos masaya ka lang. Sa sobrang saya mo lahat ng makakasalubong mag gGood Morning ka at sa naguumapaw na positivity na nagmumula sayo hindi nila maipaliwanag kung bakit parang nahahawa sila sa kasiyahan mo.