Skip to main content

Quarter-Life Crisis




That awkward moment...
Yung every staff meeting wala kang ambag sa grupo.

Pwede nga nila akong utusan magtimpla ng coffee, mag print, or bumili ng ulam sa labas ... ok lang.
Mas ok yun kesa walang ginagawa. I just want to lighten their work loads pero di ko sila matulungan.
Ako yung pinaka bata sa grupo at pinaka eng-eng.

nahiya talaga ako.

Natutulala na lang ako dito sa office iniisip kung ano bang gagawin ko.

Hanggang ngayon di ko pa rin maisip.

Hindi naman ako makapag resign kasi sino bang company ang magpapasahod sakin ng ganto kalaki?

Magiisang taon na pero yung hinihintay kong break wala pa rin.

I feel trap.

Pero di ako makahanap ng iba kasi attracted ako sa shiny objects. Ang dami kong gustong bilihin na hindi ko mabibili pag lumipat ako.

Swerte lang ang pagkahire ko dito at lagi na lang naffeel ko kung gaano ako ka incompetent as a employee. Wala akong ganap. Hindi nila ako kayang pagkatiwalaan. Nag effort naman ako na ipakita sa kanila na may something naman sakin kaya lang hindi talaga enough yun para maimpress sila. They got stuck on me also kasi they cant fire me. Yung magffire sakin nasa malayo at di ok sakin yung feeling ng ganito. Ako na siguro yung pinaka sosyal na tambay. San ka nakakita ng Tambay na pinapasweldo habang nag-aaral, naka-expresso, may food supply, nakakapagrent ng studio type apartment na 9k per month, nakakapagshopping, nakakakain sa masarap, nakakapagbigay sa family, nakakapaghulog sa SSS, Philhealth, Pag-ibig at insurance.

Sinong baliw ang maghhire sa 22 year old girl, fresh grad at walang degree para paswelduhin ng 500 per hour na nagsayaw lang nung Christmas party? Yun lang ata yung moment na napagpawisan ako.

Mas pagod pa ko nung OJT ako, kung saan-saang planta ako pinapadala, kesyo sa pagawaan ng softdrinks, ng feeds or ng alak, nakakapagod yun at maliit lang ang pera, 150 per day lang ako nun pero motivated ako sa araw-araw kasi kahit pinapadala nila ako kung saan-saan , pinapabayan , nabibilad sa araw at nadudumihan ng wala ring masyadong alam... napipilitan akong gumawa ng diskarte sa buhay, at eventually natutuhan ko yung mga ginagawa ko. At the end of the day, i thank God that Im surviving despite of the things i lack, Im earning a lot, not in money but in knowledge and values.

Life is not about the money but in things making you feel alive.

It feels good going to mall and buy something you like
It also feels good pampering yourself, eating delicious foods, living in a comfortable place
and being free to do anything you want.

But that is just for a moment, those things are not making me happy.

Im not complaining that God is so generous to me but i just realized, I dont need so much money,
I need my sense of responsibility, I need more of my family, I need my friends, I need someone to talk to, someone that can listen to me and appreciate some of brilliant thoughts, I need to learn so much things and experience more because Im young but now i feel so old.

Im trying to reach out people but they cant reach me.

Eto na ba yung tinatawag nilang Quater Life Crisis?




Comments

Popular posts from this blog

1st Day sa Intermittent Fasting

1st Day ko ulit sa intermittent fasting, sinasamantala ko habang wala akong pakinabang sa office. Di ko alam kung hanggang kelan ako ganito. Gusto ko ng mag resign... kaso san naman ako hahanap ng trabaho na magpapasweldo sakin ng ganito. nahihiya na ko kailangan ko ng sumugal

Apartment Reservation

Sobrang lapit na sa trabaho ng apartment ko ngayon. Mga 5 minutes to 10 minutes away sa office. Yung singil, ayos lang din, reasonable naman. Hindi masikip at di rin naman sobrang laki, sakto lang para sakin. Studio type, tapos may CR na rin sa loob. May lutuan, lababo at aircon. In short , maayos at comfortable tirahan. Usually ng mga nagddorm dito ay hindi lang nasa office, minsan nasa site din sila. Kapag nasa site sila, minsan umaabot ng biwan bago sila makapag-office ulit. Ang ginagawa nila, binabayaran pa rin nila yung apartment kahit hindi naman nila ginamit. Binabayaran for reservation. Parang ako... para akong apartment. Hindi napapakinabangan pero binabayaran for reservation. Hanggang kailan kaya?

Coffee

What if magic potion pala yung Coffee na ininom mo this morning? Imagine, paginom mo ng kape biglang nawala yung anxiety at depression mo sa buhay. Pakiramdam mo wala kang problema tapos masaya ka lang. Sa sobrang saya mo lahat ng makakasalubong mag gGood Morning ka at sa naguumapaw na positivity na nagmumula sayo hindi nila maipaliwanag kung bakit parang nahahawa sila sa kasiyahan mo.