Sa tuwing nagsusulat ako sa blogger o sa tumblr, dalaw lang ibig sabihin nyan, bored ako o sawa na ko sa trabaho ko.
So anong reason for today? Bored ako
December pa nung huling beses na binigyan ako ng gagawin at hanggang ngayon wala pa rin akong load. Tinanong ko dati si bossing kung magpapahinga na ba muna ako at siguro mahanap na rin ng ibang trabaho pero sabi nya, magaral nalang daw muna ako ng mga dapat kong aralin sa office. Ilang buwan na ang lumipas at nagaaral pa rin ako. May part sakin na nakakaguilty kasi pinapasweldo nila ako habang nagaaral san ka pa , every students dream. Kaya lang ilang beses din naman akong nagreport na wala na kong ginagawa pero sabi lang nya sakin ituloy ko lang ang self study na ginagawa ko. Iniisip kong bumalik sa college para magkadegree pero kulang pa ang pera ko, kailangan ko pang magipon di kaya kahit mag take ako ng mga panggabi na courses para madagdagan ang kaalaman ko, kaya lang kailangan ko pa talagang magipon.
Nakakainins lang kasi, magttatlong buwan na kong nagaaral ng programming ng sofware na to , pero hirap pa rin akong maintindihan. Samantalang dati, ako ang pinaka magaling sa klase namin pagdating sa programming actually top 1 ako sa subject namin na yon. Laging ako ang may pinaka mataas na score sa practical exam kaya laging uno grade ko dun. Napaka dali lang para sakin ng self study basta may libro at google. Samantalang ngayon, hirap na hirap akong aralin ang programming language ng software na to, ultimo yung mga parameters nahihirapan akong intindihin. Totoo nga yung sabi nila, yung akala ko magaling na ko , yun pala marunong lang. Napaka lawak ng field at ang dami daming kailangan aralin. Nakakalungkot kasi by the time nung umalis ako sa school para magtrabaho , out dated na yung mga alam ko.
Advantage naman talaga na foundation ka pero kahit na, ang hirap pa rin.
Hindi ko pa man tapusing aralin yung pinapaaral sakin, isa isa nang na expire yung licenses nung mga software na ginagamit ko. Tuloy, hangang basa na lang ako ng notes at di ko na simulate yung ginagawa kong project para malaman kung nagagawa ko ba ng tama. ( Sa nagbabasa nito na hindi gets ang pinagsasabi ko, basta yun na yon. Hindi ako IT , isa akong control engineer na TechVoc lang ang tinapos. Wala rin akong PRC at pinoprogram ko ay PLC at SCADA, kung ano man yon, search nyo nalang tsaka ko na ieexplain pag trip ko. Tapos yung licenses ng mga sofware na yan ay madaling maexpire na sa kasamaang palad ay dinala nila bossing sa field at walang natira dito sa office. Gustuhin ko mang bumuli ng sarili kong license para dyan, hindi ko kaya, masyadong mahal. Di ko keri).
Nakakabore na talaga, pero hanggat maari ginagawa kong productive ang sarili ko. Nagaaral pa rin ako kahit at least sa mga terminology na lang. Malay ko ba kung may surprise graded recitation si bossing.
Hanggang Kelan kaya ako ganito?
Comments
Post a Comment