Skip to main content

Mission Failed on Valentines


Valentines ang birthday ko at ngayong 2020, 22 years old na ko.


Lagi kong inaabangan tuwing Feb 14 kung mag ccelebrate ba ko ng Valentines Day o Birthday ko.
Sa totoo lang nagsasawa na kong mag celebrate ng birthday ko tuwing araw ng mga puso. Di naman ako bitter pero nakakaingit lang kasi yung mga tao na nakikipag date sa valentines. Yung mga babaeng binibigyan ng flowers, chocolate at teddy bear. Nakakatangap din naman ako ng mga ganyan , eh kasi birthday ko. Masaya naman ako sa tuwing nareregaluhan ng family at friends ko kaya lang kailan kaya ako kikiligin? Yung may isang guy na mageeffort bilhan ka ng rose kahit mahal tuwing valentines?  o yung yayain ka ng taong gusto mo sa isang restaurant ng kayong dalawa lang tapos manunuod ng movie after? imagine... hanggang imagine na naman ako.


Nakakalungkot kasi mission failed na naman ako ngayong valentines. Bakit ba hindi ako naging ligawin tulad ng mga kaibigan ko. Ang hirap ko daw ligawan kasi ang tangkad ko, may itsura naman daw ako sabi nila, medyo mataray pero mabait naman ako kahit papano, marami naman akong kaibigan kaya sa tingin magaling naman akong makisama, masipag din akong magaral dati, at ngayon , may maayos akong trabaho. Bakit ba ang ilap sakin ng love life?


May nagkakagusto naman sakin, kaya lang di ko naman sila type. At yung mga nagugustuhan ko, ako naman ang di nila gusto. Di naman mataas ang standards ko. Basta masayang kasama, responsable , at least kaheight ko , gentleman , madiskarte sa buhay at romantic. Saan na ba sya? 


Sinubukan ko naman , kaya langing may issue. Ilang beses na na may nanligaw sakin tapos nalaman ko may girlfriend pala, yung isa may asawa pa. Tapos nag try na rin ako ng dating app, at ayun kamalas malasan nakatagpo ako ng manyak. Biro mo yun, niyaya ba naman ako sa hotel, indoor activities daw kami? duh 

Tapos yung etong bago lang , na meet ko rin sa dating app. Jusme, manliligaw daw eh lagi namang di nagpaparamdam. Halos twice a month ko lang syang nakakausap. Naisip ko tuloy, baka di pa sya ready, wale eh, di ko maramdaman yung panliligaw nya. Di ko na sya kinausap at di nya na rin ako tinagka pang kausapin pa. I guess tama ako, wala talaga syang interest sa kin. Di ba nga sabi nila, pag mahalaga sayo yung tao, maglalaan at maglalaan ka ng oras para sa kanya.



Mission Failed na naman ako. Dating gawi, Celebration ng Birthday sa Araw ng Valentines.

Comments

Popular posts from this blog

1st Day sa Intermittent Fasting

1st Day ko ulit sa intermittent fasting, sinasamantala ko habang wala akong pakinabang sa office. Di ko alam kung hanggang kelan ako ganito. Gusto ko ng mag resign... kaso san naman ako hahanap ng trabaho na magpapasweldo sakin ng ganito. nahihiya na ko kailangan ko ng sumugal

Apartment Reservation

Sobrang lapit na sa trabaho ng apartment ko ngayon. Mga 5 minutes to 10 minutes away sa office. Yung singil, ayos lang din, reasonable naman. Hindi masikip at di rin naman sobrang laki, sakto lang para sakin. Studio type, tapos may CR na rin sa loob. May lutuan, lababo at aircon. In short , maayos at comfortable tirahan. Usually ng mga nagddorm dito ay hindi lang nasa office, minsan nasa site din sila. Kapag nasa site sila, minsan umaabot ng biwan bago sila makapag-office ulit. Ang ginagawa nila, binabayaran pa rin nila yung apartment kahit hindi naman nila ginamit. Binabayaran for reservation. Parang ako... para akong apartment. Hindi napapakinabangan pero binabayaran for reservation. Hanggang kailan kaya?

Coffee

What if magic potion pala yung Coffee na ininom mo this morning? Imagine, paginom mo ng kape biglang nawala yung anxiety at depression mo sa buhay. Pakiramdam mo wala kang problema tapos masaya ka lang. Sa sobrang saya mo lahat ng makakasalubong mag gGood Morning ka at sa naguumapaw na positivity na nagmumula sayo hindi nila maipaliwanag kung bakit parang nahahawa sila sa kasiyahan mo.