Skip to main content

Under Paid or Over Paid

Naalala ko yung first work experience ko.

Since first job ko, pa- assist - assist lang ako sa mga senior ko. Ang problema lang sampu ang senior namin, tatlo lang kaming OJT. Nung una paisa-isa lang yung workload namin since first time nga, may mga araw na maghapon lang akong maghihintay ng gagawin at magpapanggap na may ginagawa kasi nakatutok sa table ko yung CCTV. Isa yun sa pinakamahirap na task, yung magpanggap na nagttrabaho. Bawal kasing makipagkwentuhan, bawal social media, walang youtube para manuod ng mga tutorial, in short sobrang boring, nakakaantok pero bawal matulog, jusko. Nung mga panahon na yon kumapit ako sa kapangyarihan ng kape, milo, tsaa at kung ano pang kutkutin. Lahat na ata ng klase ng 3in1 na try ko na. Naging updated din ako sa mga news. Halos tatlong buwan akong ganon, yung very minimal lang ang workload.

Kapag baguhan ka pa lang, hindi ka pwedeng magdemand. Kasi wala ka pa naman napapatunayan. After 3 months, dun na unti-unting nadagdagan yung trabaho hanggang sa dumami. During internship ko, naging support ako sa PLC prorgramming, sa SCADA, sa pag-AutoCad, pati na rin sa sales, in short support ako ng lahat ng seniors. Masyado akong bibo nung time na yon kasi first time nga, kumbaga jack-of-all traits ako. Nakakatuwa sa una kasi nabboost yung confidence ko. Pero habang tumatagal, yoko na hahaha peace

Una sa lahat, ang dami nilang pinapagawa at minsan yung trabaho nila pinapasa nila sakin. Nagssite ako ng na tanging pamasahe at saktong pangmiryenda lang ang perang dala, minsan wala pa. Ayaw na ayaw ko yung lantaran na pulitika sa management, sa meeting laging may komosyon, at halos lahat ng tao nagsisiraan. Bawat galaw binabantayan. At higit sa lahat , Php 150.00 lang naman ang sahod ko. Pero kahit na ganon, naging optimistic ako at hindi ko naiisipang magreklamo. Inisip ko kasi na kahit maliit lang ang sahod ko, natututo ako ng maraming bagay, in terms of technical skills, sales at management na rin kahit papano. All in ang natututunan ko kahit mahirap.

Pero hindi ako nagtagal dun, tinapos ko lang ang required na hours ng school para sa OJT at di na ko nagpa-absorb pa. Hindi dahil sa mga issue na binanggit ko kanina, may nagoffer kasi sakin ng full time training na kinakitaan ko ng mas malaking oppotunity.

Mahirap at mababa ang sahod pero marami akong natutunan. Sa maikling pahanon, nabigay sakin ng company ang experience na kailangan ko at nagpapasalamat ako dahil pinagkatiwalaan nila ako.

Pagkatapos non, nagkaroon pa ko ng ibang trabaho at palagi, sa bagong kumpanya na papasukan ay back to zero. Wala kang kakilala masyado, panibabagong pagaadjust sa paligid, pakikisama at aaralin mo yung mga standards nila. Pero syempre hindi ka na zero sa kaalaman, credentials at experience.

Ngayon, pangatlong trabaho ko na. Hindi tulad ng first job ko, dito walang pulitika masyado, konti lang kami pero parang tropa lang kami sa work. Professional pero maagaan magtrabaho dito. So far, eto na ang pinaka malaki kong sahod. 2X ng pinagpray ko kay Lord, grabe talaga, wala akong masabe, ganito lang naman ang pinagpray ko pero binigyan nya ko ng doble. Maganda dito, napaka ideal. Lahat ng pinag pray ko kay Lord na sa mapasukan kong company nandito.

1. Hindi toxic ang environment
2. Walang pulitika
3. Masayang kasama ang mga katrabaho
4. Malaki ang sahod
5. Big company, international

Nandito lahat ng pinagpray ko kay God nung mga panahong naiingit ako sa mga kaklase kong may malaking sahod at nakakapagbakasyon, nakakabili ng mga bagong gadgets at damit at nakakakain lagi sa masarap. Malungkot ako noon kasi feeling ko magaling naman ako pero bakit behind ako. Hindi ko matreat ang sarili ko pati na family ko. Ang dami kong trabaho , may overtime pa pero eto lang ang sahod ko. Napakabait ni God dahil pinagbigyan nya ko sa wish ko at doble pa ang dumating. Hindi ko naimagine na matatanggap ako sa ganitong company.

Pero sa kabila ng lahat, dapat masaya na ko pero kulang pa rin. Bakit?

Nalulungkot ako kasi...

Wala akong kaibigan dito at Hindi na ko nagg-Grow

Lahat sila mabait pero ang hirap nilang kaibiganin.

Lahat sila 30+ na, habang ako 22 pa lang

Medyo mahirap ifill yung generation gap, maraming bagay na hindi ko pa maintindihan tungkol sa kanila at maraming bagay na hindi nila maintindihan tungkol sakin. Sa maraming bagay hindi ko sila nasusundan.

Restricted ang galaw ko pati na sasabihin ko kasi mas matanda yung mga kasama ko.

at dahil nga bata ako, hindi pa nila akong kayang pagkatiwalaan sa mga bagay-bagay. Kaya ako yung may pinaka konting trabaho, kadalasan wala, basa lang ng manuals, scroll maghapon

nahihiya ako kasi sumasahod ako kahit walang output

Sabi sakin ni bossing, baka pwede nya daw akong isama sa site para makapagtraining, pero may COVID-19 , hindi ko alam kung makakasama ako.

Ano na bang dapat kong gawin?


Comments

Popular posts from this blog

1st Day sa Intermittent Fasting

1st Day ko ulit sa intermittent fasting, sinasamantala ko habang wala akong pakinabang sa office. Di ko alam kung hanggang kelan ako ganito. Gusto ko ng mag resign... kaso san naman ako hahanap ng trabaho na magpapasweldo sakin ng ganito. nahihiya na ko kailangan ko ng sumugal

Mission Failed on Valentines

Valentines ang birthday ko at ngayong 2020, 22 years old na ko. Lagi kong inaabangan tuwing Feb 14 kung mag ccelebrate ba ko ng Valentines Day o Birthday ko. Sa totoo lang nagsasawa na kong mag celebrate ng birthday ko tuwing araw ng mga puso. Di naman ako bitter pero nakakaingit lang kasi yung mga tao na nakikipag date sa valentines. Yung mga babaeng binibigyan ng flowers, chocolate at teddy bear. Nakakatangap din naman ako ng mga ganyan , eh kasi birthday ko. Masaya naman ako sa tuwing nareregaluhan ng family at friends ko kaya lang kailan kaya ako kikiligin? Yung may isang guy na mageeffort bilhan ka ng rose kahit mahal tuwing valentines?  o yung yayain ka ng taong gusto mo sa isang restaurant ng kayong dalawa lang tapos manunuod ng movie after? imagine... hanggang imagine na naman ako. Nakakalungkot kasi mission failed na naman ako ngayong valentines. Bakit ba hindi ako naging ligawin tulad ng mga kaibigan ko. Ang hirap ko daw ligawan kasi ang tangkad ko, may itsur

Study to the Infinity & Beyond!

Sa tuwing nagsusulat ako sa blogger o sa tumblr, dalaw lang ibig sabihin nyan, bored ako o sawa na ko sa trabaho ko. So anong reason for today? Bored ako December pa nung huling beses na binigyan ako ng gagawin at hanggang ngayon wala pa rin akong load. Tinanong ko dati si bossing kung magpapahinga na ba muna ako at siguro mahanap na rin ng ibang trabaho pero sabi nya, magaral nalang daw muna ako ng mga dapat kong aralin sa office. Ilang buwan na ang lumipas at nagaaral pa rin ako. May part sakin na nakakaguilty kasi pinapasweldo nila ako habang nagaaral san ka pa , every students dream. Kaya lang ilang beses din naman akong nagreport na wala na kong ginagawa pero sabi lang nya sakin ituloy ko lang ang self study na ginagawa ko. Iniisip kong bumalik sa college para magkadegree pero kulang pa ang pera ko, kailangan ko pang magipon  di kaya kahit mag take ako ng mga panggabi na courses para madagdagan ang kaalaman ko, kaya lang kailangan ko pa talagang magipon. Nakakainins lang ka