Skip to main content

Apartment Reservation

Sobrang lapit na sa trabaho ng apartment ko ngayon. Mga 5 minutes to 10 minutes away sa office. Yung singil, ayos lang din, reasonable naman. Hindi masikip at di rin naman sobrang laki, sakto lang para sakin. Studio type, tapos may CR na rin sa loob. May lutuan, lababo at aircon. In short , maayos at comfortable tirahan.

Usually ng mga nagddorm dito ay hindi lang nasa office, minsan nasa site din sila. Kapag nasa site sila, minsan umaabot ng biwan bago sila makapag-office ulit. Ang ginagawa nila, binabayaran pa rin nila yung apartment kahit hindi naman nila ginamit. Binabayaran for reservation.

Parang ako... para akong apartment.

Hindi napapakinabangan pero binabayaran for reservation. Hanggang kailan kaya?

Comments

Popular posts from this blog

1st Day sa Intermittent Fasting

1st Day ko ulit sa intermittent fasting, sinasamantala ko habang wala akong pakinabang sa office. Di ko alam kung hanggang kelan ako ganito. Gusto ko ng mag resign... kaso san naman ako hahanap ng trabaho na magpapasweldo sakin ng ganito. nahihiya na ko kailangan ko ng sumugal

Coffee

What if magic potion pala yung Coffee na ininom mo this morning? Imagine, paginom mo ng kape biglang nawala yung anxiety at depression mo sa buhay. Pakiramdam mo wala kang problema tapos masaya ka lang. Sa sobrang saya mo lahat ng makakasalubong mag gGood Morning ka at sa naguumapaw na positivity na nagmumula sayo hindi nila maipaliwanag kung bakit parang nahahawa sila sa kasiyahan mo.