1st Day ko ulit sa intermittent fasting, sinasamantala ko habang wala akong pakinabang sa office. Di ko alam kung hanggang kelan ako ganito. Gusto ko ng mag resign... kaso san naman ako hahanap ng trabaho na magpapasweldo sakin ng ganito. nahihiya na ko kailangan ko ng sumugal
Naalala ko yung first work experience ko. Since first job ko, pa- assist - assist lang ako sa mga senior ko. Ang problema lang sampu ang senior namin, tatlo lang kaming OJT. Nung una paisa-isa lang yung workload namin since first time nga, may mga araw na maghapon lang akong maghihintay ng gagawin at magpapanggap na may ginagawa kasi nakatutok sa table ko yung CCTV. Isa yun sa pinakamahirap na task, yung magpanggap na nagttrabaho. Bawal kasing makipagkwentuhan, bawal social media, walang youtube para manuod ng mga tutorial, in short sobrang boring, nakakaantok pero bawal matulog, jusko. Nung mga panahon na yon kumapit ako sa kapangyarihan ng kape, milo, tsaa at kung ano pang kutkutin. Lahat na ata ng klase ng 3in1 na try ko na. Naging updated din ako sa mga news. Halos tatlong buwan akong ganon, yung very minimal lang ang workload. Kapag baguhan ka pa lang, hindi ka pwedeng magdemand. Kasi wala ka pa naman napapatunayan. After 3 months, dun na unti-unting nadagdagan yung trabaho ha...